There was an error in this gadget

Thursday, July 21, 2011

kakulangan

alam kong may mga pagkukulang ako
pero naitanong mo ba kung bakit nagkaganun?
naitanong mo rin ba sa sarili mo
kung ika'y walang pagkukulang?

hindi aabot sa ganito ang lahat
kung sana ang lahat ay nagawan ng paraan
pero ano ang nangyari?
wala..may ginawa ka ba?
pakitanong sa sarili mo....

kung di mo alam ang sagot
magtanong ka..makipag-usap ka
ang hirap sa iyo, wala ka na ngang magawa
ayaw mo pang makipag-usap.. ikaw pa ang matapang...

matapang ako..oo alam ko
kasi kailangan kong maging matapang
para maging mas matapang ka sana sa akin
pero kabaligtaran ang nangyari..

ginawa ko na ang dapat kong gawin
siguro naman panahon na
upang gawin mo rin ang dapat
na noon mo pa ginawa...

No comments:

Post a Comment